UPUAN

44 2 0
                                    

UPUAN

Hi, ang dami kong nakikita sa kwarto ko mismo. May nakikita akong bata, babae at itim na lalaki. Pero mas napapansin ko yung lalaki. Di ko alam kung bakit ganun.

Way back 2019, gabi nun. Lumabas ako ng kwarto ko para umihi, since wala namang pintuan kwarto ko, yung kurtina muna yung ginawa kong pantakip. So yun nga, lumabas ako para umihi. Malapit lang yung banyo sa kwarto ko, pagkatapos kung umihi bumalik na agad ako sa kwarto. Tas inayos ko yung kurtina ng kwarto ko. Bale, sa loob na ng kwarto ko inayos yung kurtina. Nung malapit ko ng maayos, may kamay na itim na humawak sa akin. As in literal na hawak, sa sobrang takot ko di ko alam gagawin ko.

Hindi naman si papa yun kase rinig kong humihilik yung parents ko kase magkatabi lang kami ng kwarto, tas yung kapatid ko naman tulog na tulog na. Nung tinignan ko yung kamay na nakahawak sa akin, kamay lalaki. Tas nakikita ko yung anino niya sa kurtina, matangkad na lalaki. Tas tumingin ako pababa, kaya sa sobrang takot ko, hinila ko na kamay ko tas nakita ko yung anino na pumasok sa isang kwarto na di pa tapos (ginagawa pa lang). Kaya tinignan ko, wala akong nakita. Nawala yung anino kaya bumalik na ako sa pagkakahiga at nagtalukbong.

Kinabukasan, sinabihan ko si mama sa nangyare, pansin kong namutla si mama nun kaya tinanong ko kung okay lang ba siya. Sabi niya hindi kase nga may napapansin din daw siya sa kwarto ko na may pumapasok. Tas si mama, gawain niya talagang silipin kami bago siya matulog. Sabi pa niya, one time daw, yung tulog na kaming lahat may napansin daw siyang lalaking matangkad na pumasok sa kwarto ko kaya sinundan niya. Pagsilip niya sa kwarto ko, nakita niya raw yung lalaking sinasabi ko na nakaupo katabi sa higaan ko. Naglalagay kase ako ng upuan sa tabi ng higaan ko bago matulog.

Tas yung lalaki raw, nakatingin sa akin habang tulog na tulog ako. Tas lumingon daw yung lalaki kay mama tas kitang-kita ni mama na kulay pula ang mga mata nito tas nilagay raw nung lalaki yung hintuturo niya sa bibig nito. Parang sinasabihan si mama na wag maingay, sa sobrang takot din ni mama, pumasok siya sa kwarto nila at ginising niya si papa tas pagbalik nila, wala na raw yung lalaki. Simula nung gabing yun, palagi na raw napapansin ni mama yung lalaki na nakaupo katabi sa higaan ko at tinitignan ako habang natutulog.

Lunaang
2022
TVL
SPPCI

#USFComeback



📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon