(10) My weird sister-in-law and her bestfriend 10: Umbra populo

47 5 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend 10: Umbra populo

Part 1
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652243708276573

Part 2
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652952991538978

Part 3
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/653462204821390

Part 4
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/657444584423152

Part 5
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/675120079322269

Part 6
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/675120359322241

Part 7
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/680959358738341

Part 8
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/684706681696942

Part 9
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/702744689893141

Wag nyong pansinin yang umbro umbro na yan hahaha sila nakaisip nyan.

Kevin ulet to hahaha.

Sinabihan ako ni Kiel sabihan sila Cas na magpuntang manila pagkatapos ng pasko. May passes kasi sya para mmff, sais lang babayaran namin, movie marathon mga brad. Si Dean hindi sumama, nasa manila rin sya nun pero nasa kanila, bonding sa mga anak nya. Si Cas hindi din, pati yung iba hindi din makapunta. Kami lang ni Sam, Carl at Balthazar yung nakasama.

Una, ayaw pa ng papa ni Kiel na dun kami sa kanila. Kasi puro kami lalaki tapos si Kiel babae. Utak ng mga magulang e no hahaha de jk. Buti na lang dumating yung panganay na kuya ni Kiel, si Kuya Benny, kasama nya yung gelpren nya. Pero alam ko rin na papayag yun kahit hindi dumating kuya nya, kasi sabi rin ni Kiel.

Isa kwarto sa baba, dalawa sa taas. Ang usapan, dun kami nila Sam sa bakanteng kwarto. Si Kiel, sumisiksik sa kama ng kuya nya hahaha. Kaya yung mag syota sa sahig. Sa baba kwarto ng magulang nila. Pero di gaanong nagagamit kasi madalas wala mama at papa nya.

December 27, birthday ni Kiel. Unang beses kaming gumala. Match money syempre ilan nagbigay sa kanya, bunso pa naman, parang ako hahaha. Swerte nya galante mga kuya nya. Nagluto muna ng palabok, kain kain kwento kwento. Pagkatapos tanghalian, umalis papa at mama nya, sa barracks daw matutulog.

Si Kiel naman nagpaalam sa kuya nya na aalis kami. Hulaan nyo san kami nagpunta? Sm -----a, nood daw  kami, treat nya. Kaya malakas loob na manlibre kasi sais lang yung bayad kasi may passes. Akala namin ang haba ng pila. Nagulat kami, walang gaanong tao. Si Sam tapos Balthazar bumili ng makakain. Pagbalik nila sa taas, tawa kami ng tawa nila Kiel, andaming biniling pagkain. Picnic hahaha. Tapos nagsisi kami bat pa kami bumili, may nagbibigay ng libreng martys hahaha tig dalawa pa binigay samin, kinindatan kasi ni Sam yung nagdidistribute.

Pagpasok sa loob, ang dilim, malamang. Tapos ang onti ng tao, hindi napuno yung mga upuan. Wala sa bandang harap. Seklusyon pinanood namin. Nasa pinaka taas kami, nasa gitna na ng pelikula nung parang lalong lumamig. Naka jacket na ko nun, pati si Carl napansin. Pinakalabit ko si Sam. Tapos sinindi nya cp nya sa tapat ng nukha nya. Muntik na kong mapasigaw nun, kasi nandun na sa part na may lumabas na maitim na bata sa ilalim ng kama, ay kennat.

'Wag nyo na kasing pansinin. Ang pogi pogi ni Miguel di ako maka concentrate' Durog na durog na ang puso ni Sam sa sinabi ni Kiel hahaha.

Hinayaan na nga namin. Ako yung nasa dulo, may apat pang upuan na hindi naupuan sa gilid ko. Tapos may umupo, di ko pinansin, madilim kasi. Maya maya si Carl parang nasisilihan tumbong, hindi mapakali.

'Brad brad brad lipat tayo' Sabi nya.

'Bakit?'

'Gilid brad. Sa gilid mo'

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon