Forest 5

43 4 0
                                    

Forest 5

Nagkitakita kami ni noel, gaco at fuego umaga bago ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kami na kasi susunod na magrereport sa filipino tapos si noel napakiusapan ni gaco na tulungan kami. Doon kami ulit sa kubo nila fuego. Kaso itong si noel may toyo, natulog pagkarating namin. Itong si fuego tinawagan si maki, pakapalan na ng mukha hshshsahas. Kaya si maki at paul nagpunta. Pag gising ni noel tawa nang tawa kasi wala na syang toyo. Nagsampalan sila ni paul tapos nagsimula ng umulan. Nagluto akong popcorn tapos kwentuhan habang nakain. Nung maubos namin yung popcorn, nilabas ni noel yung legendary lighter nya. Sisindi syang yosi pero bigla na lang parang may imbisibol na tumabig ng lighter nya. Nagkatinginan kaming lahat.

'ayan tinabig pano yosi kayo nang yosi' sabi ni maki

Bigla syang hineadlock ni noel.

'kunware good boy kasi ayaw ng baby nya sa nicotine'

Kinutusan din namin syang lahat. Tapos pinulot ni fuego lighter. Eh di sisindi din sana sya. Di man tumilapon yung lighter pero yung laki ng apoy abot gang bumbunan nya. Napasigaw kaming lahat.

'asdfggk mo ka fuego di porke fuego apelyido mo bubuga ka ng apoy!' sabay batok sakanya ni noel. Syempre crush nya namatok sakanya kaya kinilig pa rin. Inagaw naman ni gaco yung lighter. Katulad ng nangyari kay fuego nangyari pagkasindi nya. Tapos natulala sya. Nakaharap sya at si maki sa bintana. Pareho silang tulala. Si noel biglang nagtalukbong ng kumot. Hila nya si paul.

'ano yun?' tanong ni fuego. Tumabi na rin ako sakanila ako kasi yung nasa tapat ng bintana eh.

'yung lalaking may gray na mata' sabay na sabi ni maki at gaco.

Nagtalukbong si noel at paul ng kumot. Tapos nung mejo kalmado na si gaco at maki, nag aya na silang umalis.

'mon, gaco, fuego sama kayo samin. Wag  muna kayong umuwi' si maki

'san punta?'

'sa gsm street tol' ngising aso si paul

Sa bahay nila paul kami nagtuloy. Naglinis muna kami kasi nga di naman yun natitirhan dahil nga kila maki sya nakatira pag wala magulang nya. Kami ni paul nagpunta sa palengke. Dun ko sya tinanong kung ano yung sinasabi nila maki at gaco na lalaking may gray na mata.

'yung lalaki na nakikita ni noel madalas sa panaginip nya tapos minsan sa gilid ng mga mata nya. Nakita ni maki na ng malapitan yun, gray ang mata'

'gray? Foreigner?' takang tanong ko

Binalikan nya ko tapos inakbayan. 'sabi ni maki mukhang pinoy naman yung mata lang talaga'

Pag uwi namin, si noel ang nagluto ng pulutan. Tapos dumating si eunice at yna. Inspired yung magpinsan kasi mga crush nila present. Yung tatlong girls nagluto. Kami naman pasilip silip. Nasa labas si yna tapos kausap nya si eunice. Bale dalawa yung pinto sa likod. Yung isa parang gate, tapos yung pinakapinto na. Si yna nakasandal dun sa gate. Nakatingin ako kay noel na busy na nagluluto. Sakto napalingon sya sa gawi ni yna. Napatingin din ako. Takbo si noel. Ang bilis ng pangyayari. May kung anong tumulak ng malakas dun sa gate na sinasandalan ni yna. Sabay silang napasigaw ni noel. Si yna humampas gilid ng mukha sa amba ng pinto, si noel naman yung isang kamay nya pinangkalang nya para hindi maipit ulo ni yna. Imposibleng hangin yun kasi nakalapat nga yung gate sa pader eh tapos kung hangin yun, kung itutulak ko madali lang kaso nakipagpwersahan pa ko eh. Naitayo na ni maki si yna. Si noel naman hinawakan ko yung dumudugong kamay nya. Nahilo ako kasi maano ako sa dugo pero tinatagan ko loob ko. Binuhat na ni fuego si yna. Tapos paglabas namin napamura kaming lahat. Ang lakas na ng ulan. Maaga aga pa pero parang ala sais na ng gabi.

'tatawagan ko si kuya anton' sabi ni maki

Saglit nga lang at may humintong pulang kotse. Pagbukas ng pinto, si ser anton ang iniluwa. Kinuha nya si yna kay fuego. Pinasakay nya na rin si noel. Sunod naman kaming ospital. Pagdating namin inaasikaso na yung dalawa. Tapos naunang matapos si noel. Biglang takbo sila ni maki palabas ng e.r sumunod kami ni gaco. Naabutan namin hinahagod sya ni noel sa likod. Nagsusuka si maki.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon