STO. NIÑO

52 3 0
                                    

STO. NIÑO

Nung bata pa ako noon may Sto. Niño kami noon nila mama na nabili lang daw nila papa sa harap ng simbahan at pina-bless naman daw nila ito bago dinala sa bahay.

Nung una, okay siya at wala kami/akong nararamdaman sa Sto. Niño na nabili nila. Btw, yong pagkakaayos niya is nakaharap sa may tulugan namin nila mama kaya kitang-kita mo talaga yong Sto. Niño na yon.

One time, nilagnat ako noon, pabalik-balik talaga yong lagnat ko nung time na yon kaya ginawa nila mama pinagpahinga nila ako hanggang sa nakatulog ako.

Nung nagising ako mga hapon na nung time na yon, napatingin ako sa Sto. Ñiño kasi para siyang nakatingin sa gawi ko tapos diyos ko, pagkalingon ko sa kanya nakatingin sakin yong mga mata niyang nanlîlîsîk at pulang-pula at may sûngây ito tapos sa may paanan niya may maliliit na mga anghel pero may mga sûngây din sila. Tapos mga nakangiti sakin kaya sa sobrang takot ko umiyak ako tapos tinawag ko si mama at sinabi sa kanya yon.

"Mama yong Sto. Niño nakatingin sakin pula mata niya ma, tapos may sûngây siya at may mga maliliit na angel sa paanan niya na may sûngây din."

Pero sabi lang niya nagde-deliryo lang ako dahil sa taas ng lagnat ko, paglingom ko sa Sto. Niño normal na ulit itsura nito, mukhang anghel na hindi katulad nung pagkagising ko na nakakatakot talaga itsura niya. Mga ilang araw lang magaling na ako pero hindi na ako tumitingin sa Sto. Niño na yon dahil sa takot na baka ganun pa rin itsura nila.

Sunod naman na nagkasakit yong kapatid kong bunso, ganun din nakita niya sa Sto. Niño namin may pulang mâtâ na may sungay at may malilit ng anghel sa paanan nito kaya si mama nagtaka na noon kaya naisipan niyang ipa-albularyo kapatid ko, kasama ako nung time na yon. Unang tapak pa lang namin sa bahay nung albularyo nagsalita agad ito.

"May Sto. Niño kayo sa bahay niyo at ito ang dahilan bakit may nagkakasakit mga anak mo," si mama nagulat kasi ni hindi pa nga niya sinasabi yong pakay namin sa kanya tapos alam na agad nito.

"Oho, may Sto. Niño nga ho kami sa bahay, nabili lang namin siya sa may harap ng simbahan," sabi ni mama sa albularyo.

"Balutin mo yang Sto. Niño at ilibing sa may paanan ng bangin niyo dahil may masamang nilalang na nanirahan sa Sto. Niño na iyan. Pagsapit ng alas-dose ng tanghali ilibing mo iyan, kahit anong mangyari wag na wag kang lilingon sa kahit saan o kahit may tumawag sayo wag na wag kang lilingon dahil malalakas sila sa ganyang oras at baka mapahamak ka pa," kinilabutan ako sa sinabi nung albularyo na yon pero ginawa ni mama yong bilin ng albularyo.

Kinabukasan, pagsapit ng alas-dose lumabas na si mama na may dalang pala at buhat niya yong Sto. Niño na nakabalot sa plastic. Nung time na yon madilim ang kalangitan kaya kinakabahan daw si mama pero tinuloy pa rin niya. Kwento ni mama sakin habang pababa raw siya sa bangin nagtataasan mga balahibo niya at feeling daw niya may nakatingin sa kanya tapos habang nililibing na niya yong Sto. Niño doble raw kilabot niya na hindi niya maipaliwanag na. Nung paglibing niya dali-dali raw siyang tumaas papunta sa bahay namin. Kinabukasan, okay na pakiramdam ng kapatid ko tapos magaan na ulit pakiramdam namin, hindi na mabigat dahil wala na yong Sto. Niño.

Si mama naman ilang araw lang nagpasama siya sa kuya ko para daw tingnan nila yong Sto. Niño sa mismong pinaglibingan niya (sinabi pala ng albularyo na wag na wag huhukayin iyon), kaso si mama nagi-guilty raw dahil sagradong imahe sa simbahan yong nilibing niya. Kaya hinukay niya ito tapos ang kinagulat niya, wala na ito sa mismong pinaglibingan niya kaya inaya niya si kuya noon na umuwe na sila dahil natatakot siya nung time raw na iyon at nagtataka bakit wala na doon yong Sto. Niño, eh ni hindi nga nabago yong lupa o na pinaglibingan niya.

Kaya hanggang ngayon napapaisip si mama kung asan na ito ngayon o baka may nakadampot na nito.

Lengleng
2018
*Confidential

#USFComeback

📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon