Unibersidad 6

39 4 0
                                    

Unibersidad 6

Pagkalibing kay kuya masong, hindi na kami masyadong nagsasama nila noel. Sa campus na lang. Pagkatapos ng klase kanya kanya na. Parang nagluluksa kami sa mga sarili naming paraan. Ako binusy ko ang sarili sa mga sideline ko. Isang araw ng linggo habang nakahilata lang ako sa papag, tinext ako ni ramon at inaaya akong magmotor. Kako nun sa sarili ko a malamang nauuhaw na tong kupal na to sa alak. Kaso nagroadtrip kami nakaabot kaming bulacan saka ko sya tinanong kung anong problema. Kase ganun si ramon e pag me problema gusto nagdadrive. E nag aalala ako na baka mapunta kaming maynila e butas shorts ko kaya nung nasa bulacan na kami tinanong ko na sya.

'Mula nung mamatay si masong lagi ko na kayong inaalala. Baka madamay ko kayo sa magulong buhay ko. Ayokong mangyari yun kase mahal na mahal ko kayo at ayoko na matulad yung relasyon natin sa relasyon ko ngayon kay ice' sabi ni ramon

Madalas nyang nababanggit yung ice na yun pag nagkukwento sya tungkol sa pamilya nya. Matalino raw si ice, pogi katulad nya ewwwwww. Basta masayang masaya si ramon pag kwinekwento nya yun.

'Pamangkin mo ba si ice?' Tanong ko

Umiling sya. 'Basta. Mahirap ipaliwanag. Sa bahay ka na matulog ha? Wag kang mag-alala wala naman doon sila dodi ngayon' sagot nya

Edi yun uwi na kame. Kaso paglagpas pa lang namin sa arko ng baryo nila biglaan syang pumreno. Napasigaw pa nga ko kase akala ko titilapon ako sa motor. Walang salitang iniliko ni ramon yung motor nya at hinatid ako sa bahay namin. Yung pagdrive nya sa motor? Taena pakiramdam ko nun lumilipad na kami. Overtake sya nang overtake tapos ilang beses pa syang nangcut.

'May problema ba ramon?' Tanong ko sakanya pagkarating sa harap ng funeraria

'Tandaan mo to simon ha? Wag ka basta basta magpapapasok sa bahay nyo ha? Ikaw ang bunso sa iyo ang bahay nyo, nasa sa iyo ang desisyon. Ha?' Sagot nya. Ni hindi nya pinansin yung tanong ko. Tinulak nya pa ko papasok sa eskinita. Hindi sya umalis hangga't hindi ako nakararating sa dulo. Hating gabi nagtext sya sakin na aalis na sya at hindi nya alam kung babalik pa sya dito. Sobrang lungkot ko nun pero saglit lang napalitang pag-aalala. Tumawag kase si yna pero hindi sakin, kundi kay kuya tom.

'Magjacket ka puntahan natin si yna at parang takot na takot. Tena' sabi ni kuya tom. Pagdating namin sa gate nila yna may papalabas na dalawang lalaki. Nakangisi sila sa amin tapos tumigil sila sa gilid namin. Nakangisi pa rin. Tapos si kuya tom? Kinalansing bulsa nya. Gawain yun ni kuya tom, laging maraming barya sa bulsa. Kinutuban na ko nung biglang nagtakip tenga yung dalawang lalaki tapos nagtatakbo na. Edi nakatanaw pa ko sakanila, taena paglagpas nila dun sa poste ng ilaw nawala na sila. Si kuya tom binuksan agad gate nila yna tapos pinasakay na ko uling motor pinasibad na nya papasok. Nakasilip si yna sa me bintana. Pagkababa namin ni kuya sa motor, lumabas na si yna sa bahay. Tumunog naman cp ko. Si noel tumatawag.

'Mon magigiba na nya pinto' sabi agad ni noel. Nakarinig nga akong kalabog.

'YNA! KUYA! TARA KILA NOEL' sigaw ko. Ako na nagdrive. Takot na takot ako para ke noel. Pagdating namin inabutan kami ni kuya tom ng mga barya. Sabi nya patunugin lang namin yun. Nakasindi lahat ng ilaw sa bahay nila noel. Pati sa terrace kaya kitang kita namin yung tao sa me terrace. Bigla na lang yun tumalon sa gilid at nawala na. Pinagbuksan kami agad ni noel. Yumakap sya sakin, damang dama ko yung panginginig nya. Umiiyak sya.

'Bat may dugo?' Tanong ni yna tapos lumapit sya sa amin ni noel. Nabigla ako nung sabunutan nya si noel. 'Taena mo naman noel akala ko ba titigilan mo na pagsusugat sa sarili mo? Bakit puro laslas na naman yang braso mo?'

Nakaputi kasi akong tshirt at kitang kita yung dugo sa likod ng tshirt ko.

'Sorry yna. Ayoko kasing matulog. Tuwing natutulog kasi ako may nagpapakita sa aking dalawang lalaki, yung isa kamukhang kamukha ni ramon. Parang pinatandang ramon tapos....sabi nya inagaw ko raw si ramon sakanya. Kaya ayaw daw sumama ni ramon sakanya dahil sakin. Hinihila nya ko tapos makikita ko na lang sarili kong tulog. Tapos andaming espiritong nakapaligid sa katawan ko gusto nilang kunin. Kaya....ayaw ko matulog'

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon