Siya
Ang taong unang nakilala mo
Ang taong minsa'y pinangarap mo
Ang taong kumumpleto sa buhay moSiya,
Ang taong nakasama mo sa ligaya
Ang taong binigay mo lahat at walang tinira
Ang taong binigyan mo na walang sawang pagpapahalagaSiya
Ang taong sumira sa'yo
Ang taong dumurog sa mga pangarap mo
Ang taong binalewala bigla ang pag-ibig moAko,
Ang taong kelan mo lang nakilala
Ang taong minsa'y pinangarap ka
Ang taong gustong makasama kaAko,
Ang taong nakasama mo sa hirap
Ang taong nagparaya ng walang kurap
Ang taong nagpahalaga at lumingapAko,
Ang taong bumuo sa'yo
Ang taong unti unting pinulot ang durog mong puso
Ang taong hindi ka iniwan at inalay ang buong puso koSiya, Ako
Kahit saang anggulo mo tignan hindi magkakapareho
Malaking pagkakaiba, pero parehong minahal mo
Siya, ako, hindi pwedeng tayong tatloKahit na ako ang bumuo sa'yo, bumalik ka sa dumurog sa'yo
Kahit na ako ang umintindi sa'yo, pinili mo ang nagtapon sa'yo
Kahit ako ang nagmahal ng totoo, siya pa din ang minamahal mo
Sana ako na lang ang pinili mo, pero sige hanggang sa huli, magpaparaya pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...