Ang Kape

22 0 0
                                    

Pag bumibili ako ng kape gusto ko yung matapang,
Baka lang sakaling kaya ako nitong ipaglaban,
Yung sobrang mainit, ayoko ng malamig,
Para naman makaramdam ng init sa lovelife kong sobrang lamig.

Pakilagay na din ito sa makapal na baso,
Para pag hinawakan ko hindi masaktan at mapaso,
O kaya naman pag nabitawan di agad mabasag,
Para di ako masaktan pag pinulot isa isa sa lapag.

Pwede din ba ipatong ang baso sa tasa,
Para ako lang ang makakasalo ng lahat pag sumobra,
Sana noon sakin lang umaapaw ang pag-ibig mo,
Umapaw nga pero iba ang nakikinabang, iba ang sumasalo.

Gusto ko yung simpleng kape lang, hindi magarbo,
Aanhin ang itsura kung di kaaya aya ang laman nito,
Parang nung nakilala kita, maganda ang pinakita mo,
Pero habang tumatagal, natikman ang pait at tunay na nilalaman mo.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon