Maaari Ba?

18 0 0
                                    

Maaari ba masilip ang laman ng iyong puso?
Gusto ko lang makita kung ako pa ang laman nito,
Kung tulad pa din nung una mo akong minahal,
Kung ako pa ba ang hinihiling mo sa Maykapal.

Maaari ka bang yakapin ng mahigpit?
Gusto ko lang madama kung pagmamahal
sakin ay ganun pa kainit,
Kung pag-ibig mo ba ay hindi na lang pinipilit,
Kung ako pa din ang hanap at hindi ipagpapalit.

Maaari ba mahawakan ang kamay mo?
Titignan ko lang kung ako pa ang gustong
kahawak nito,
Kung hindi ka bibitaw kahit ano pa ang magdaan,
Kung ako pa din ba kahit may hirap na mararanasan.

Maaari mo bang sabihin na ako'y mahal mo?
Gusto ko lang marinig para sumaya ang puso ko,
Kung sa akin pa din ng buo ang iyong nararamdaman,
Kung ako pa din ba ang mamahalin mo sa magpakailanman.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon