Hiram na Sandali

268 2 0
                                    


Pag nakakasama ka,
Nakakadama ng lungkot at ligaya
Masaya dahil kapiling ka,
Malungkot dahil alam kong sa iba ka

Bawat tawa at ngiti
Puso ko ay napapatili,
Bawat yakap at haplos
Mga balat ko ay parang nalalapnos

Mga matatamis na salita
Nabibigay ng galak at pag-asa,
Mga malalalim na tingin
Parang ayaw na umalis sa iyong piling

Mga higpit ng iyong yakap,
Pakiramdam ay nasa alapaap
Sa isip sana ako na lang ang pinili
Para hindi na manghiram ng mga sandali

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon