Tiis

19 0 0
                                    

Isang araw ako ay nagmahal,
Umasa, nanalangin na ito ay magtatagal,
Sinabi sa sarili na ikaw ang hiningi sa maykapal,
Hindi na nag-isip, puso na lang ang pinairal.

Isang araw ako pinasaya mo,
Pinaramdam mo na ako din ay mahal mo,
Bawat paglipas ng araw, saya ang dinulot mo,
Pinapabilis mo ang pagtibok ng puso ko.

Isang araw ako ay sinaktan mo,
Hindi ko inakala na magagawa mo lahat ng ito,
Kasinungalingan, unti unting dinurog ang puso ko,
Pero sinabi sa sarili na ayos lang, ikaw ay mahal ko.

Isang araw ako ay pinagpalit mo,
Hindi naging handa, ako ay iniwan mo,
Mag-isa, nalumbay, nalungkot sa paglisan mo,
Hindi ba ako naging sapat kahit lahat ay tiniis ko?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon