Sa Huling Pagkakataon

117 1 0
                                    


Heto nanaman nakatingin sa kawalan
Nag-iisip, naninimbang ng aking nararamdaman
Tama pa ba na ipagpatuloy pa ang pag-ibig?
Mali na ba at kelangan na huminto, tatakpan na lang ang bibig

Masyado ng magulo ang aking isip
Mga mata ay ibabaling, kamay ko ay itatakip
Susuko, magpaparaya, pakakawalan ka na ba?
Titigil, lalayo, hahayaan ka na lang sa iba?

Unti unting maglalaho sa buhay mo,
Unti unting ibabangon ang sarili ko
Masyado ng nawawala, laging nakatulala
Hindi maiwasang masaktan, hindi ko ito ikinakaila

Ayoko na ipagpilitan ang aking sarili
Sabihin mo na lang sakin na siya ang iyong pinili,
Tama na ang pagpapahirap sa pusong umaasa
Kelangan ng itigil ang panaginip, tama na.

Alam kong hindi ako ang kailangan mo,
Alam ko na siya pa din ang laman ng puso mo
Nandito ako, nakakagulo lalo sa isip mo,
Siguro aalis na lang ako at unti unting lalayo

Masakit sa damdamin, ayokong tanggapin
Ayokong mawala ka sa'king piling,
Ngunit kelangan ng mawala para ikaw ay lumigaya
Kahit hindi sa piling ko, kahit alam kong sakanya

Gusto man na ibalik ang kahapon natin,
Gusto kong sabihin, gusto ko pa rin pilitin,
Sa huling pagkakataon sasabihin kong mahal kita,
Masakit man para sakin pero ikaw ay palalayain na.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon