Pasensya Na

44 0 0
                                    

Pasensya na kung gusto kita makita,
Gusto ko lang masilayan ang iyong mukha,
Pasensya na kung gusto kita laging kausap,
Marinig lang ang boses mo ako'y parang nasa alapaap.

Pasensya na kung lagi akong nag aalala,
Gusto ko lang malaman kung maayos ka ba,
Pasensya na kung gusto kong hawakan ang kamay mo,
Hindi ako bibitaw, nandito lang ako.

Pasensya na kung lagi kong sinasabi na mahal kita,
Di lang mapigilan ang nadarama para sayo sinta,
Pasensya na kung gustong lagi kang kasama,
Gusto ko lang malaman mo na hindi ka nag-iisa.

Pasensya na kung masyado akong nahuhulog sayo,
Dahil ginusto ko naman na mahalin ka ng todo,
Pasensya na kung kailangan ko nang lumayo,
Dahil alam ko na mas sasaya ka kung wala na ako sa piling mo.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon