Tuluyang Makawala

25 0 0
                                    

Nakaupo nanaman sa isang tabi,
Mga iniisip pilit iniisang tabi,
Mag isa nanaman ngayong gabi,
Ito nanaman ang lungkot na nadarama palagi.

Maraming pumapasok sa aking isip,
Mga nadarama pilit na sinisilip,
Aking puso unti unting sumisikip,
Luha'y tumutulo, mga kamay ay tinatakip.

Sana pag gising mawala na ang sakit,
Mawala na ang mga nadaramang pangit,
Mga hindi kaaya-aya laging sumisingit,
Mga ayaw marinig laging iginigiit.

Para bang hindi makawala sa sumpa,
Pag-iisip ay nilalamon na ng lupa,
Sana ang kirot ay bigla na lang humupa,
Sa iyong iniisip sana'y tuluyan ng makawala.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon