Dadating din Siya

43 0 0
                                    

Mayroong mga pagkakataon,
Na ayaw mo nang lumingon,
Gustong dumiresto, lumayo,
At makinig sa kanilang mga payo.

"Hindi ko kayang mag-isa",
Puso ay nagmamakaawa.
"Hindi ko kaya ng wala siya",
Isip sadyang pilit ginagawang abala.

Minsan sa buhay kailangan mag-isa,
Upang matutunan ang iyong halaga,
Oo minsan, di ikinakaila na nasasabik,
Kailangan pigilan ang sarili at manahimik.

"Dadating din ang para saiyo",
Bulong ng hangin sa puso ko.
"At mamahalin ka ng buong-buo",
Hihintayin dumating ang araw na ito.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon