Sana pwedeng ibalik ang kahapon,
Yung mga bagay na unti unting naitapon,
Ang nakaraan na ako lang ang nagpapaligaya,
Yung ako, ikaw, at tayo na laging masaya.Ito nanaman ang lumang ugali ko,
Yung mga pagbabago na ako lang may gusto,
Yung ako lang ang nakakakita ng mali,
Yung ako lang nasasaktan paunti-unti.Umaasa nanaman baka isang araw,
Na baka magbago ang iyong pananaw,
Na maramdaman mo ang nararamdaman ko,
Sa tuwing masasaktan mo ang puso ko.Tahimik, walang magawa kundi tanggapin,
Kahit puso'y sumisigaw, kamay sa dibdib dumidiin,
Panaginip na lang ba ang mga nakaraan,
Yung ikaw at ako ay lunod sa pagmamahalan?
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesiaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...