Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Pinagtapo ang dalawang puso ng panahon,
Isang nasaktan, pinagtibay ng kahapon,
Isang handang magmahal ng totoo at naaayon.Pinag krus na ang kanilang mga landas,
Upang makabuo ng panibagong bukas,
Mga bagong pangako, bagong pangarap,
Magkahawak na haharapin ang nakalaan na hinaharap.Tunay na pag-ibig, dalisay at wagas,
Muling nadarama sana'y hindi magwakas,
Ibang saya, kakaibang galak ang dala,
Sa tuwing magkapiling, ayaw mawalay sa isa't isa.Sa pagkakataon na ito sila ay may hiling,
Habang buhay sana'y sila ang magkapiling,
Kanilang nadarama kanila pang patitibayin,
Kanilang pag-ibig ay lubos pang pag-iigtiin.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesiaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...