Tama Na

40 1 0
                                    

Bakit pag puso na ang usapan,
Nagpapakatanga kahit nasasaktan,
Nagbubulag bulagan sa mga nakikita,
Nagpapakamanhid sa sakit na nadarama.

Bakit pinipili pa din magmahal?
Umaasa na pag-ibig ay magtatagal,
Kung hindi talaga siya wag nang ipilit,
Sana ganun kadali para hindi maipit.

Bakit hindi ganun kadali bumitaw?
Kahit na alam mong hindi lang ikaw,
Nagpapakatanga na sana baka piliin ka,
Naghihintay ng panahon na sana kayong dalawa.

Bakit hindi makalimutan na mahal kita?
Kahit alam ko pag-ibig sakin ay wala na,
Sana isang araw pag ikaw ay muling makita,
Masasabi sa sarili na "masaya na ko, tama na."

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon