Isang araw may isang puso na namulat,
Dahil pag-ibig na nadarama nito ay di na sapat,
Matagal nahimlay, nakulong sa panaginip,
Nakawala sa isang mahika dahil ito ay nainip.Puso ay naghahanap ng kalinga,
Nanigas dahil sa lamig na nadarama,
Gusto muling makaramdam ng init,
Matagal nakulong, kumakawala sa sakit.Naiinggit ang puso sa mga nakikita,
Unti unting namamanhid dahil wala ng madama,
Mga nararanasan ay pasakit at lungkot,
Pagkabigi at hinagpis, yun ang naidudulot.Nangangarap ang puso na makadama ng ligaya,
Naghahangad ito na pag-ibig ay muling madama,
Gusto ng tumakas sa ilusyon na dinulot mo,
Gusto ng magising sa mga panaginip na binuo mo.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...