Sanayin ang Puso

25 0 0
                                    

Sa bawat pagbukas ng aking mata sa umaga,
Hindi ko ikinakaila na naiisip pa rin kita,
Ginigising ang sarili sa isang katotohanan,
Na wala ng tayo, itigil na ang kalokohan.

May mga gabi na laman ka pa din ng panaginip,
Pinipilit idilat ang mga mata, sarili ay sinasagip,
Iniiwasang makita ang iyong mga ngiti,
Para di makitang masaya ka na at siya ang iyong pinili.

Sa tuwing titingin ako sa kawalan, ako'y natutulala,
Sumasagi ka pa rin sa isip, nakikita ang iyong mukha,
May konting kirot, konting mga alaala,
Sa tuwing naiisip ko na minsa'y naging akin ka.

Kelangan ko ng imulat ang aking mga mata,
Buksan ang isip, tama na, wag na maging tanga,
Tanggapin sa sarili na wala ng ikaw at ako,
Sanayin ang munting puso na hindi na talaga tayo.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon