Paano kung isang araw...

41 0 0
                                    

Paano kung isang araw makasalubong kita?
Magkita, magtagpo ang ating mga mata?
Siguro wala ng mararamdaman pa,
Siguro ikaw ay babalewalain na.

Paano kung isang araw ika'y magparamdam?
At sabihin na saakin meron pang pakialam?
Siguro damdamin ko ay di na ipapaalam,
Siguro ako'y tuluyan na lang na magpapaalam.

Paano kung isang araw hawakan mo ang kamay ko?
Sobrang higpit at hindi magawang pakawalan ito?
Siguro ako ay kakalas, tuluyang lalayo,
Siguro ako ay bibitaw, iiwas, magtatago.

Paano kung isang araw sabihin mo na ako'y mahal mo pa rin?
Na nagkamali ka sa iyong hindi pagpili sa akin?
Siguro ako'y tatalikod na lang saiyo at ngingiti,
Dahil sigurado ako na sa akin ay hindi mo kayang manatili.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon