Ito ang istorya ng ating pagmamahalan
Hindi man mahaba ngunit madaming nilalaman,
Ligaya, sakit, salimuot at pag-iyak
Pagdurusa, sakripisyo, paglisan at galakNagsimula lahat ng iwanan ka niya
Nag uusap tayo, umiiyak ka dahil sakanya,
Luha, pagsisisi, tanging hiling ay bumalik siya
Nilisan, tinalikuran, nagdurusa ng dahil sakanyaLumipas ang konting panahon
Unti unti mong nakakalimutan ang mapait na kahapon,
Unti unting bumabalik ang ngiti sa labi
Ang puso mo'y unti unti din na ngumingitiIkalawang yugto, tayo ay nagkatagpo
Nang nakita ka, oras parang huminto
Tawanan, biruan, sulyap na nakawan
Puso'y nagkakalapit, kwentuhang walang hangganPagtitinginan natin biglang lumalim
Bagong damdamin unti unting natatanim
Dahan dahan pagmamahalan biglang umusbong
Iniisip dadamdamin saan kaya hahantong?Ikatlong yugto, sinabi mo mahal mo ako
Una nag aalangan kung lahat ba ito ay totoo
Nag iisip, tinitimbang, dapat bang sumugal?
Unti unti mong pinapadama sakin ang iyong pagmamahalHindi nagtagal, ikaw ay aking minahal
Galak ang nadama, gustong ito ay magtagal
Bago sa pakiramdam, minahal ka ng lubusan
Hiling ay tayo hanggang huli, pag-ibig na walang katapusanIka-apat na yugto, simula ng pagmamahalan
Araw araw ang isa't isa ay ayaw pakawalan,
Kilig, kaligayahan, lahat ay sapat na
Ikaw at ako, sa piling ng isa't isa ay tama naMga halik mong kay tamis, laging hinahanap
Unti unting bumubuo ng maliliit na pangarap,
Pangakong habang buhay, walang iwanan
Pag-iibigang totoo na hindi mapapantayan ng kung sino man.Ika-limang yugto, sayo ay muli siyang nagbalik
Mahal ka pa rin niya at sayo ay nasasabik
Sabi mo ako lang, inintindi ko ang lahat
Buong tiwala binigay dahil ayokong magkaroon ng lamatSa lahat ng gusto niya di ka makatanggi
Bakit nararamdaman ko na parang ako ang api?
Hindi ba ikaw at ako? Nasaan yung tayo?
Bakit ganito? Unti unti ka ng lumalayo?Ika-anim na yugto, nagbabago na ang lahat
Ginagawa mo na lang ang sa alam mong dapat
Nagbabago ka na sa pakikitungo sakin
Nag-iisip, natutuliro kung ikaw pa ba ay akinHalos lahat ng oras mo nasakanya
Unti unti na akong nawawala sa ating istorya
Unti unting gumuguho ang lahat ng pangako
Unti unti ka ng nawawala, nagdedesisyon ng patagoIka-pitong yugto, ang iyong paglisan
Puso ko'y nadurog, bakit bigla mong iniwan?
Hindi ba ako sapat para ipaglaban?
Ang daming gustong malaman, madaming katanungan.Ako'y nag iisa, nakatingin sa kawalan
Luha ay tumutulo hindi ito mapigilan
Nasaan ka na? Bakit hindi ako ang pinili mo?
Bakit sumama ka sa taong nagtapon saiyo?Ika-walong yugto, ang aking pagdurusa
Araw araw di mapigilan ang pagluha
Ang sakit, ang kirot, bakit ganito?
Hindi naging handa sa malaking pagbabagoLagi kang hinahanap ng puso kong nasugatan
Umaasang akin ka, ipagpapatuloy ang nasimulan
Laging nagdadasal na sana'y bumalik ka
Dahil ang aking puso ay hinahanap hanap kaIka-siyam na yugto, ang aking pagbangon
Sa luha at at sakit, sa mga alaala ng kahapon
Dahan dahan gusto'y limutin ka
Pero puso'y di pa handa, mahal ka pa rin talagaTinatanggap sa sarili na wala ka na
Isip ko ay sinasasabi na wag na lang umasa
Puso ay ibaling sa iba, dapat maging maligaya
Kelangan ng itapos ang masalimuot na mga alaalaIka-sampung yugto, ang iyong pagbabalik
Nang makita ka, ako pa rin ay nasasabik
Ngunit sabi mo puso mo'y hindi pa handa
Bakit ganun? Pag-ibig ba sakin ay nawala?Sa "tamang panahon", laging iyong bukang bibig
Di ba walang rason kung tunay ang pag-ibig?
Ako nanaman ay nalugmok, puso muli ay nadurog
Naglalaho, nawawala, ang dadamin na minsa'y hinubog.Ika-labing isang yugto, ano ba talaga ako saiyo?
Mahal mo ko, mahal kita, ngunti walang tayo,
Bakit hindi pwedeng ibalik ang dating pagtuturingan?
Dahil ba iniingatan mo pa rin ang kanyang mararamdman?Sabi mo wala na kayo pero bakit ganun?
Bakit parang mas sakanya ka pa rin umaayon?
Sabi mo ako pa rin ang mahal mo
Siguro hindi mo lang matanggap na siya pa rin ang tunay na iniibig mo.Ika-labing dalawang yugto, puso muli ay nagdurugo
Kelan kaya mapahahalagahan ang aking puso
Ayoko na maging pangalawa, ayoko na magparaya
Lagi na lang nag iisa, laging puso ay nadadayaGusto ko ng pag-ibig na matatawag na sakin
Ayoko na lumuha, ayoko na muling mabitin
Ayoko na maiwan, ayoko nang masaktan
Gusto kong maramdaman na ako naman ang pagpapahalagahan.Ika-labing tatlong yugto, hindi pa dito nagtatapos
Hindi pa alam kung saan patungo, puso pa rin ay nakagapos,
Patungo ba sa ligaya ba o lungkot ang muling madarama?
Tayong dalawa pa ba o ako'y muling mag-iisa?

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...