Pumiglas Ka

42 2 0
                                    

Tulala ka nanaman, malayo ang tingin,
Para bang sinakluban ka ng langit at mga bituin,
Masakit? Di mo tanggap? Ganyan talaga,
Tinatanong mo ang sarili kung ano ang problema.

Ikaw ba nagkulang, ikaw ba walang nagawa?
Ikaw na nasaktan, ikaw pa nagmukhang tanga.
Hindi mo mabigay? Ngayon nganga ka,
Pag-ibig niyo na binuo bakit ikaw na lang ang nakakaalala?

Gumising ka, tama na pagpapantasya,
Hindi karapat dapat ang isang tulad niya.
Bumangon ka, itayo mo ang iyong sarili,
Dahil bandang huli alam mo na hindi siya mananatili.

Ginawa mo lahat upang siya ay sumaya,
Hinihila ka na pababa, siya pa itong maligaya.
Hindi mapapalitan ng matatamis na salita ang sakit,
Kaya pumiglas ka na at wag siya hayaang sayo pa ay kumapit.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon