Tanging Ikaw

22 1 0
                                    

Bawat araw sayo ay laging nasasabik,
Sa bawat pag alis, hinihintay agad ang pagbalik,
Sobrang pagamamahal na walang "bakit",
Nasa isip mula pagdilat hanggang pagpikit.

Ang lalim ng nadarama na walang tatalo,
Kahit pa na ikaw ay lumayo at doon tumakbo,
Hindi mapapagod kahit saan ito magtungo,
Kahit saan pa ito basta tayo'y magtatagpo.

Hindi mo na kailangan pa maghanap ng iba,
Nandito ako laging handang makapiling ka,
Hindi ka mawawala, nandito para mag alaga,
Wala ka ng iisipin pa, hindi kailangang mag alala.

Tanging ikaw ang gustong makapiling,
Ikaw ang aking mundo, ikaw ang aking hiniling,
Sana'y wag mong saktan ang aking damdamin,
Sana'y laging ako lang ang iyong mamahalin.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon