Habang Buhay

21 0 0
                                    

Bawat araw na ika'y kapiling,
Tanging isa lamang ang aking hiling,
Sana'y aking mapahinto ang oras,
Sana'y mahal pa rin ako pag gising bukas.

Sinusulit bawat panahon na kasama ka,
Hindi alam kung kailan magbabago lahat sinta,
Sinusulit bawat tamis, bawat ngiti,
Parang lahat ng sakit unti unting napapawi.

Gustong ikaw na hanggang tumigil ang buhay,
Ikaw ang mundo, ikaw ang nagbigay kulay,
Noong puso'y nadurog at naging malumbay,
Ikaw ang bumuo at sa akin ay ibinigay.

Sana'y hindi na maging pansamantala lahat,
Tanging dasal sana ako'y maging sapat,
Mahal kita, ikaw lang ang aking buhay,
Sana'y wag pakawalan habang buhay.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon