Ano ba ang pakiramdam na ikaw naman,
Ikaw naman ang hinahanap at kailangan,
Ikaw ang unang pumapasok sa kanyang isip,
Ikaw ang nakikita niya kahit mata ay nakatakip.Ikaw ang gustong makasama sa lahat,
Ikaw lang at walang iniisip dahil siya ay tapat,
Ikaw lang ang gustong makausap sa mga bagay,
Ikaw lang ang inaasahan na magbibigay gabay.Ikaw ang gustong yakapin pag siya ay nag iisa,
Mga tinig mo ang gustong marinig pag siya ay may problema,
Mga kamay mo ang gusto niyang hawakan kapag malungkot,
Mga ngiti mo ang hanap kahit siya ay paikot ikot.Ikaw ang gusto niyang ipakilala sa lahat,
Ipagsisigawan niya sa mundo na ikaw ay sapat,
Sana dumating ang panahon na maranasan ko,
Ang hahanapin, kakailanganin, at mamahalin lang ay ako.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
Thơ caAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...