Sakit na Nadarama

57 1 0
                                    


Isang gabi tayo ay nagkausap,
Piniling pag usapan ang mga nagaganap,
Mga haka haka, mga sakit na nadarama,
Mga pagkukulang naten sa isa't isa.

Luha ay di mapigilang tumulo,
Nadudurog, binibiyak ang aking puso,
Mga planong hindi pa man nabubuo,
Mga planong unti unti ng gumuguho.

Kelangan mo ng oras sabi mo sakin,
Bumitiw ka, ang sakit sa damdamin,
Bakit ganun kadali para sayo ang lahat,
Bakit mo ako tinapon na parang isang kalat.

Ni minsan di ko naisipang iwan ka,
Ni minsan di ko naisipang bitawan ka,
Ni minsan hindi ko binalewala ang nadarama,
Kahit puso ko ay sakit na sakit na.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon