Larawan

24 0 0
                                    

Naisipan kong balikan ang nakaraan,
Ang mga panahon na ating pinagdaanan,
Mga larawan kung saan tayo'y masaya,
Mga oras na tayo'y laging maligaya.

Mga kislap sa iyong mga mata,
Pag ako'y iyong tinititigan sinta,
Mga pag ngiti ng iyong mga labi,
Na aking hinahanap hanap palagi.

Ako'y nasasabik sa kung ano tayo noon,
Humihiling na maranasan muli ang kahapon,
Walang iniisip kundi mahalin ang isa't isa,
Mga pangakong binitawan nating dalawa.

Sana ay hindi tayo nagbago,
Sana lahat ay hindi naging malabo,
Sana muling maibalik ang mga nakaraan,
Ang mga alaala na nakatatak sa ating mga larawan.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon