Iba't iba ang uri ng pag-ibig,
Walang pareho, iba iba ang kabig,
Maraming matututunan sa paglipat ng pahina,
Iba't ibang karanasan ang sayo'y ipapadama.May unang pag-ibig, bago sa pandinig,
Puro kasiyahan at lambing ang ibig,
Araw araw gusto lagi siya ang kapiling,
Para bang wala ka ng iba pang hihilingin.May pag-ibig na nakakasakit, nakakasawi,
Pero walang kang magawa kundi manatili,
Kahit puro pagdaramdam at lungkot,
Hindi pa rin magawang makadama ng yamot.May pag-ibig na madamot, makasarili,
At kailan man hindi magawang makapili,
Gusto may kahati, di kuntento sa isa,
Walang pakialam kahit makasakit pa ng iba.May pag-ibig na hindi para sa isa't isa,
Akala kayo na, akala ay nakatadhana,
May isang mang iiwan at isang maiiwan,
Mayroong mabibigo dahil siya ay bibitawan.Iba't iba man ang uri ng pag-ibig,
Huwag matakot, gawin lahat ng ibig,
Makaranas man ng iba't ibang lungkot at saya,
Sa bandang huli alam ko, dadating din ang ligaya.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...