Sabi mo sakin mahal mo ko,
Pero bakit hindi ako ang nasa tabi mo?
Sabi mo sakin ako ang gusto mo makasama,
Pero bakit hanggang ngayon nandyan ka pa din sakanya?Puso ko'y masyadong nasasaktan,
Pero bakit parang wala kang pakialam?
Sana maisip mo ang aking nadarama,
Hindi yung para sayo ako'y balewala.Luha ay ayaw ng tumulo,
Unti unting namamanhid ang puso,
Binigyan ka muli ng bagong pagkakataon,
Sasayangin nanaman ba ang mga panahon?Bakit hinahayaan mong maging ganito,
Bakit hinahayaan mo na masira tayo,
Sana naman maalala mo na ako ang pinili mo,
At ang sinabihan mo ng mahal mong totoo.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...