Mahabang panahon na din ang lumipas,
Akala nadarama'y tuluyan nang kumupas,
Akala'y mga sugat tuluyan ng naghilom,
Akala ang buong sarili ay tuluyan ng nalikom.Ilang gabi na din na laman ka ng isip,
Nadadalas na din ang pagdalaw mo sa panaginip,
Tuwing naririnig ang mga lumang kanta,
Sadyang nalulungkot, tumutulo ang luha.Hindi na kaya pang tignan ang mga litrato
Hindi na kaya pang basahin ang mga pangako,
Nanunumbalik mga hinagpis na iyong pinadama,
Mga kasinungalingan, mga kupas na pag drama.Pero bakit ganito pa din ang aking nadarama,
Bakit limutin sadyang napakahirap magawa,
Hanggang ngayon gusto ka pa rin makita,
Hanggang ngayon gusto ka pa rin makasama.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesiaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...