Ang Paglayo

81 0 0
                                    


Sana isang araw pag gising ko,
Hindi ko na maiisip ang mukha mo,
Hindi ko na hahanapin ang mga yakap mo,
Hindi na din mananabik sa mga halik mo,
Makakalimutan ko na ang amoy ng iyong pabango,
Makakalimutan na ang lambot ng buhok mo,
Hindi na muling maiisip ang mga ngiti mo,
Hindi na sasagi sa isip ang mga titig mo,
Makakalayo na sa sakit na dinulot mo,
Makakalayo na sa saya na bigay mo,
Makakalayo na sa mga kasinungalingan,
Makakabangon na sa iyong paglisan,
Tatalikuran ko na ang mga alaala,
Tatalikuran na ang pangarap na wala na,
Lalayo na sa mga panaginip na nasa akin ka,
Lalayo na saiyo dahil masaya ka na.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon