Pusong iyong Binuo

20 0 0
                                    

Di ko inakala na lalayo ka,
Di ko inakala na makakalimot ka na,
Di ko inakala na iiwan mo ko mag isa,
Nakalutang sa ere umaasa sating dalawa.

Bakit mo nagawang lumisan,
Bakit kelangan mo akong iwanan,
Bakit gana biglang nawalan,
Paano na ang mga pangarap na napag usapan?

Hindi na ba pwedeng balikan,
Hindi na ba itutuloy ang nasimulan,
Hindi na ba tulad noon ang nararamdaman,
Nung ako'y mahal mo at walang iwanan?

Nakatanaw sa malayo iniisip ang mga pangako,
Nakatanaw sa malayo sa isip ay ikaw at ako,
Nakatanaw sa kawalan habang sumasakit ang puso,
Paano makakalimot ang pusong iyong binuo?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon