Magkahawak ang ating mga kamay
Sa sobrang higpit parang ayaw magkawalay,
Lumapit ka sakin at humalik sa'king noo
Damang dama ng puso ko ang pagmamahal mo.Nakahiga sa ilalim ng mga bituin
Niyakap mo ko at sabi mo, "ikaw ay akin"
Halik mong kay tamis sa'king mga labi,
Kilig ang nadarama at di mapigilan ang pag ngitiHaplos mo sa'king balat na nakakatunaw
Sa mga yapos mo parang laging nauuhaw,
Mga ngiti mo, di mawala sa aking isip
Puso ko'y kumakabog, dibdib ay sumisikipBiglang tumahimik ang kapaligiran
Hinahabol ka, paglalakad mo'y di mapigilan,
Pagdilat ng mata sa tabi ko'y wala ka na
Mga luha ay tumulo, panaginip lang pala.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...