Sabi mo sa akin

21 0 0
                                    

Sabi mo sa akin "Mahal kita",
Ngunit bakit hindi ko ito madama,
Wag na lang sana puro salita,
Gusto maramdaman, gusto ko makita.

Sabi mo sa akin "Ikaw lang at walang iba",
Pero bakit ang kasama mo ay siya?,
Hindi ako ang kapiling mo sa araw araw,
Nandito nananman ako at sainyo ay nakatanaw.

Sabi mo sa akin "Gusto kita makita",
Teka, ayoko na magmukhang tanga,
Pinapaasa mo nanaman ang aking puso,
Bawat salita mo puso ko ay nagdurugo.

Sabi mo sa akin "Hindi kita iiwan",
Nasaan ka? Bakit ako naiwang luhaan?
Bibitawan at iiwan mo lang din pala ako,
Sana di na lang umasa sa mga pangako mo.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon