Ito na ang panahon na magaan na ang puso,
Di na gaanong nasasaktan, luha ay di na tumutulo,
Unti unting nasasanay, unti unting kumakawala,
Sa dusang dinulot mo, unti unti nang nagsasawa.Dati kinakatakot na ikaw sakin ay maglaho,
Ngayon kahit mawala ka, parang wala ng magbabago,
Di na tulad noon na gusto kang hawakan ng mahigpit,
Ngayon kahit lumisan ka, mas magaan na saking dibdib.Hindi na mahalaga ang mga noo'y napagdaanan,
Naglalaho na din ang mga masasayang nakaraan,
Isang araw aking malilimot ang lahat tungkol sa'yo,
Mabubura na din ang pag-ibig na minsa'y inalay ng buong buo.Ito ang napapala ng isang taong sobrang nasaktan,
Damdamin na nadurog, pagmamahal na naapakan,
Nagising sa panaginip na di na maibabalik ang nakaraan,
At tatanggapin ang katotohanan na hindi talaga ikaw ang nakalaan.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoésieAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...