Iba Pala

22 0 0
                                    

Balik nanaman tayo sa simula,
Yung ako yung may gusto at ikaw yung kumakawala,
Yung gusto ko pa pero nababalewala,
Yung mahal mo pa siya tapos unti unti kang mawawala.

Sakit ang naramdaman sa kaibuturan,
Kaya pala kahit anong gawin ko ito'y napapagpaliban,
Kahit gaano ka abutin at hawakan,
Iba pala ang gusto mong iyo'y makamtan.

Kahit anong laban ko sa pag-ibig para sayo,
Hindi makukuha ng buo dahil sya ay mahal mo,
Gustong maging masaya, maabot ang ligaya,
Gustong makasama ka pa pero ayaw mo na pala.

Gusto kitang yakapin, gusto kitang maging akin,
Pero panaginip na lang pala, gusto pa din pilitin,
Dahil habang minamahal pala kita ng sobra,
Iba pala ang nasa isip mo, iba ang gustong makasama.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon