Tinalikuran

20 0 0
                                    

Simula nung tayo ay maghiwalay,
Mga tao sa'king paligid di mapalagay,
Maraming haka haka, maraming katanungan,
Gusto ko ng tumahimik at mapunta sa kawalan.

Sabi nila mukha naman akong masaya,
Pero luha'y tumutulo pa rin kapag mag isa,
Parang walang nangyari, balik lang sa dati,
Pero di nila alam sakit pa rin ay nananatili.

"Madami pang iba, di siya karapat dapat",
Madalas din marinig na ikaw ay di sapat,
Umikot lang sa kalungkutan, di ka naging tapat,
Paano ako nakatiis, bakit ko binigay lahat?

Kahit pati ako'y maraming katanungan,
Kung bakit ka umalis at biglang lumisan,
Pinili na lang na tumahimik at wag magsalita,
Dahil tayo'y tapos na, ako'y tinalikuran mo na.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon