Mag isa sa Kalungkutan

49 0 0
                                    

Nakaramdam ka na ba ng lungkot?
Yung bigla ka na lang magtatago sa kumot?
Yayakapin ang sarili habang nakabaluktot,
Para bang sa sarili ikaw ay nayayamot.

Tutulo na lang basta ang luha,
Hahagulgol, mga mata ay mamamaga,
Humihikbi, tunog ay di maitago,
Umaasa na nararamdaman ay maglaho.

Nakatingin sa malayo, isip na lumilipad,
Kung saan saan ang utak ay napapadpad,
Tatahimik, malalim ang iniisip,
Umaasa na magising sa isang panaginip.

Magkukulong, gusto laging mapag-isa,
At dadamhin ang lungkot na nadarama,
Mag-isang lalabanan kahit nahihirapan,
Mag-isang haharapin kahit nasasaktan.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon