Kung bibigyan ako ng pagkakataon
Gusto ko sanang baguhin ang kahapon
Gusto kong kalimutan na ikaw ay lumisan
Gusto kong baguhin ang aking nararamdaman.Hindi papayag na ikaw ay mawala,
Ang mga maling bagay ay hindi ipagbabalewala
Hindi magpapatalo sa kalungkutan na dinulot mo,
Hindi na magpapakatanga at muling magpapaloko.Ang pagbabalik niya ay hindi papayagan,
Ilalayo ka sakanya at di siya pagbibigyan
Magiging sakim na at makikipaglaban,
Bubuksan ang mga mata at di na magbubulag bulagan.Ngunit alam ko na hindi na pwedeng baguhin,
Mga hiling ay binulong na lang sa hangin
Hindi na mawawala ang hapdi na dinulot mo,
Mahal pa rin kita pero gusto ko na ng pagbabago.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...