Tiwala

29 0 0
                                    

Ano pa ba ang dapat gawin?
Ano pa ba ang dapat sabihin?
Kahit anong aking sambitin,
Tila hindi ka kayang paniwalain.

Dapat pa bang ungaktin ang nakaraan?
Kahit alam kong para sakin ikaw ang nakalaan.
Tapos na, matagal na panahon na ang lumipas,
Mga naramdaman noon matagal ng lumikas.

Wag na sanang ipilit na mahal ko pa siya,
Dahil ako'y hindi magmamahal ng hindi pa handa,
Pagdududa, pagtatampo sa hindi dapat,
Pagmamahal na binibigay sayo'y hindi ba sapat?

Pag sinabi kong ikaw lang, sana'y maniwala ka,
Ikaw ang aking buhay, ikaw ang aking ligaya,
Hindi pa ako nagmahal ng ganito kalala,
At hindi ko kakayanin pag ikaw sakin ay nawala.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon