Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Dumating ka sa tamang panahon,
Puso'y tumibok at muling nagising,
Kakaibang ligaya pag ikaw ay kapiling.Pag-ibig na totoo ang iyong pinadama,
Para sa akin ay wala ng hihilingin pa,
Sa dinami dami ng mga tao sa mundo,
Hindi akalain na makakatagpo ng kagaya mo.Muli mong binuo ang nadurog kong puso,
Isa isang pinulot ang nakakalat na piraso nito,
Muling napaniwala sa salitang pagmamahal,
Namulat sa posibilidad na pag-ibig ay maaaring magtagal.Hindi inakala na makakadama pa ng ganito,
Hindi inakala na darating ka sa buhay ko,
Hindi inakala na maipapadama mo sa akin,
Ang pag-ibig na wagas at matatawag kong akin.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...