Pagpikit ng aking mga mata,
Tila nagbalik ang mga alaala,
Nung ako ay nakadama ng saya,
Nung ako noon ay nasa piling niya.Ngunit nakaramadam ng sakit,
Puso ay parang iniipit,
Parang isang bangungot,
Na dapat na lamang malimot.Parang nababalot sa dilim,
Gustong itago, gustong ilihim,
Mga nadarama'y iiisang tabi,
Papakalunod sa paglalim ng gabi.Mga mata'y pilit na idinidilat,
Para sa katotohanan ay mamulat,
At uulit nananaman muli sa umpisa,
Sa susunod na pagpikit nitong mga mata.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...