Tulad ng Dati

15 0 0
                                    

Naaalala ko pa nung simula,
Kung saan lahat sa atin ay nagmula,
Noong panahong nakilala kita,
Nakita ang ningning sa iyong mga mata.

Noong una mga salita'y napakatamis,
Aking puso'y napapatibok ng mabilis,
Ako ang una, laging gusto akong makita,
Ikaw ay nananabik pag hindi ako kasama.

Mundo ay makulay, pag-ibig ay tunay,,
May musika sa pandinig na nagbibigay buhay
Laging katabi, kayakap ng mahigpit,
Kusang nangyayari lahat ng hindi pinipilit.

Nasaan na ang masasayang nakaraan?
Nasaan na yung ako lang magpakailanman?
Unti unti ba maglalaho, bakit biglang itinago?
Hindi na tulad ng dati, bakit kelangan magbago?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon