Natatakot na muling mag isa,
Natatakot na mapunta ka sa iba,
Natatakot na matapos ang sinimulan,
Natatakot na maglakad sa kawalan.Tanging ikaw ang minahal ng ganito,
Tanging sayo lang ipinadama ito,
Tanging sayo ibinigay ng buo ang puso,
Tanging sayo pinaikot ang aking mundo.Sana'y ako lang muli ang mahalin muli,
Sana'y sa akin lang ang iyong mga ngiti,
Sana'y magawang siya ay iyong limutin,
Sana'y iyong nadarama muling maging akin.Ikaw lang ang natatanging gusto,
Ikaw lang sa akin ang unti unting bumuo,
Ikaw lang ang tanging gustong makapiling,
Ikaw lang at walang iba ang tanging hiniling.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...