Dugtungan ang Nakaraan

25 0 0
                                    

Kung iyong mabasa ang tulang ito,
Ito'y aking isinulat tanging para sayo,
Mga salitang aking gustong iparating,
Mga katagang magbabalik saiyong piling.

Hindi inakalang darating pa ang oras,
Mga puso'y muling magkukrus ang landas,
Muling ngumiti, nakadama ng saya,
Hindi akalain na saiyo pala ay nananabik pa.

Matagal na oras man ang lumipas,
Ilang taon man ang satin ay lumagpas,
Naiisip pa din ang mga masasayang kahapon,
Nagdaan man ang mahabang panahon.

Hindi ba kayang muling sumugal,
Di ba tayo'y naghintay na ng sobrang tagal,
Hindi ba pwedeng ipagpatuloy ang nasimulan,
Muling buksan ang libro at dugtungan ang nakaraan.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon