Takot

32 0 0
                                    

Hindi mo masisisi kung ako ay nag isip,
Ako na nga ba talaga o isa nanaman itong panaginip?
May mga katanungan pa rin na nabubuo,
Hindi maiiwasan dahil ayoko nang muling mabigo.

Totoo na ba lahat ng iyong pinapakita?
Totoong pagmamahal na ba ang iyong pinapadama?
Totoong ako na ba at hindi na siya?
Totoong ako na ba ang gustong makasama?

Bakit mahal mo pa din ang isang tulad ko?
Bakit hindi mo pa rin maiwasang saktan ang puso ko?
Bakit ba importante pa din siya sayo?
Bakit kahit ako ang mahal mo di mo pa rin siya kayang mawala sa buhay mo?

Madaming katanungan pa rin ang nasa isip,
Nilalaman ng puso mo maaari bang masilip?
Dahil natatakot simulan na mahalin ka nanaman,
Tapos sa bandang huli ako nanaman ang maiiwan.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon