Sa ilalim ng patak ng ulan,
Mga luha'y sadyang hindi mapigilan,
Naiisip ang mga masasayang nakaraan,
Ayaw mang isipin ngunit ito'y nababalikan.Mga masasayang panahon natin,
Nung ako'y saiyo at ikaw ay akin,
Napapangiti kahit luha'y tumutulo,
Bakit nga ba nasira mga pangakong binuo?Sana'y hindi nagbago ang lahat,
Sana sa akin ika'y naging matapat,
Balewala na lang lahat ng pagkakataon,
Lahat ng sakripisyo saiyo'y itinapon.Naglalaban laban ang nararamdaman,
Gustong ikaw pa rin ngunit natatakot nanaman,
Isang araw kung ako'y maalala mo pa rin,
Sana'y maisip mo na ika'y minahal ko din.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...