Gusto kong bumalik sa simula,
Kung saan ang pag-ibig ay nagmula,
Puro saya, puro lang ligaya,
Lahat ng nangyayari puro lang kaaya-aya.Gusto kong bumalik sa umpisa,
Noong ako'y hindi nag-iisa,
Mga panahong ako'y may karamay,
Bawat kilos laging may kaagapay.Gusto kong bumalik sa nakaraan,
Nung puso niya'y sa akin lang nakalaan,
Walang kaagaw, walang ibang gusto,
Pagmamahalan ay lubos at totoo.Gusto kong bumalik sa kahapon,
Pero lahat ng nangyari sadyang naitapon,
Kahit habulin, kahit aking abutin,
Alam kong ikaw ay di na magiging akin.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...