Huling Gabi

68 0 0
                                    



Kung ito na ang huling gabi na makakasama ka,
Sabihin mo sakin na kahit paano'y naging masaya ka
Yakapin mo ako ng mahigpit na mahigpit,
Sa sandaling oras na satin ay pinagkakait.

Sa mga mata ko ay tumingin ka,
Wag ka mag alala kung ako'y lumuluha
Ibig sabihin lang nito ikaw ay aking mahal,
Kahit na ang pag-iibigan ay hindi nagtagal.

Sa huling pagkakataon mukha mo ay hahaplusin,
Bawat anggulo at parte nito ay aalalahanin
Huling halik sa iyong mga labi aking babaunin,
At hindi lilimutin na minsa'y ika'y naging akin.

Hindi mo na kailangan humingi ng patawad,
Kahit sakit na dinulot mo ay walang katulad
Hindi mo na kailangan magbigay ng rason,
Tama na, damdamin ko ay unti unti pang malalason.

Hindi man ako handa na ikaw ay lilisan,
Hindi man inasahan na ang satin ay wawakasan,
Kahit ngayong gabi lang pagmamahal ay iparamdam
Bago ka umalis at tuluyang magpaalam.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon