Hindi Ko Matanggap

26 0 0
                                    

Ilang gabi ng lumuluha,
Tuwing naiisip ang iyong muka,
Malayo ang tingin, nakatulala,
Nararamdaman lalong lumalala.

Parang kailan lang tayo'y magkasama,
Sabi mo mahal mo ko, sagot ko mahal din kita,
Pero ngayon naglaho na lahat parang bula,
Ako'y iyong nilimot, wala ka ng nadarama pa.

Nawala na lahat, nawala ka sa akin,
Nabalot sa kalungkutan, bakit iyong iniwan?
Bakit di ka magawang limutin ng puso?
Bakit damdaming sinasaktan ng husto?

Masyado ng pinaparusahan ang sarili,
Bakit ba sa aking isip ikaw pa rin ay nananatili?
Lagi na lang nalulungkot pag naiisip ka,
Dahil hindi ko matanggap na mahal pa din kita.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon